LALAKING PATAWID NG KALSADA SA BYPASS ROAD SA URDANETA CITY, PATAY MATAPOS MABANGGA NG WING VAN

Patawid na sana sa isang interseksiyon ang isang 61-anyos na lalaki nang mabangga ito ng isang wing van truck sa Bypass Road sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City noong Hulyo 10 ng gabi na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kagagaling lamang umano ng biktima sa isang malapit na kainan at naglalakad patungong interseksiyon nang bigla itong tumawid sa kalsada mula sa kanlurang bahagi. Kasabay nito, binabagtas ng isang wing van truck ang parehong kalsada.

Sinubukan umano ng 29-anyos na drayber ng truck na iwasan ang biktima, ngunit hindi na nito naiwasan ang pagkakabangga.

Nagtamo ng matinding pinsala ang biktima at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA).

Wala naman naitalang ibang naapektuhan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Urdaneta City Police Station sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments