MANILA – Tatlumpu’t dalawang (32) ahensiya ng gobyerno kabilang na ang Social Security System (SSS) ang humihirit ngayon ng performance bonus sa Governance Commission for GOCCS (GCG).Ipinagmalaki ng sss sa paghiling ng naturang bonus ang umano’y maayos na serbisyo sa mga miyembro at paglago ng pondo nito.Ayon kay SSS President Emilio Dequiros – umabot na sa 445 bilyon ang pondo ng ahensiya habang umaabot naman sa 35 bilyon ang kita nito kada taon kumpara sa 8- bilyon lang dati.Samantala, mahigpit namang tinutulan ni Bayan Muna Cong. Neri Colmenares ang hirit na performance bonus ng SSS.Bukod sa SSS, kasama rin sa humihiling ng performance bonus ang GSIS, PCSO, PAG-IBIG FUND, PAGCOR at NFA.Tiniyak naman ng GCG na hindi nila basta-basta pagbibigyan ang hirit ng mga nasabing ahensiya.Ayon kay GCG Spokesman Atty. Paolo Salvosa – mayroon silang basehan sa pagbibigay ng performance bonus.
Tatlumpu’T Dalawang Ahensiya Ng Gobyerno – Humihirit Ng Performance Bonus Sa Governance Commission For Goccs
Facebook Comments