THANKSGIVING LUNCH | Speaker GMA at Mayor Sara Duterte, nagkita sa isang pananghalian

Manila, Philippines – Nagkasama sa isang “Thanksgiving Lunch” sina House Speaker Gloria Arroyo at Davao City Mayor Sara Duterte.

Kasama din sa ‘Thank You” lunch ang mga kongresistang sumuporta sa speakership ni CGMA.

Nilinaw ng kampo ni CGMA na naimbitahan lamang ang Speaker ngunit hindi naman malinaw kung sino ang nag-organize ng nasabing pananghalian na ginanap sa Seda Hotel sa Quezon City.


Ayon kay Speaker GMA, isa lang itong pribadong pananghalian at wala namang ibang agenda.

Aniya, “very nice and pleasant” ang kanilang pagkikita ni Mayor Sara.

Ayon naman kina Cong. Fredenil Castro at Cong. Karlo Nograles naimbitahan lamang din silang mga mambabatas kung saan si GMA lang ang nagsalita at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya.

Facebook Comments