Third party para sa imbestigasyon sa Recto Bank incident, hindi na kailangan

73

Naniniwala ang Malacañang na hindi na kailangan ng third party para sa joint investigation ng Pilipinas at China sa insidente sa Recto Bank.

Matatandaang bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing imbestigasyon.


Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – kailangan lamang ang partisipasyon ng isang ‘neutral’ na bansa kung hindi magkakasundo ang dalawang panig.

Ani Panelo – walang magiging problema kung magkasundo ang mga imbestigador ng Pilipinas sa China.

Sa ngayon, hinihintay pa ng pamahalaan ang paliwanag ng China hinggil sa konsepto ng imbestigasyon dahil baka kakaiba ito sa plano ni Pangulong Duterte.

Samantala, natanggap na ng Palasyo ang resulta ng imbestigasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA) at ng Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments

From Advertisers