Tila kumpirmado na ang pagbabalik-tambalan ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo matapos magbahagi si John Lloyd ng behind the scenes photos ng kanilang shooting.
“Set namin” ang inilagay na caption ni Cruz sa kanyang post.
Sa mga larawan, makikita ang dalawa sa beach, magkasama sa bangka at ilang larawan kasama ang production crew.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Sa isang panayam kay Alonzo, hindi kinumpirma ng aktres na mayroon silang ginagawang reunion project ng aktor, ngunit sinabi nito na “surprise” kung ano man ang tinrabaho nila sa Palawan.
Unang nagtambal ang dalawa noon pang 2002 sa primetime drama na “Kay Tagal Kang Hinintay.”
Nagpahinga naman pansamantala sa showbiz si Cruz noong 2017 para aniya mag-focus sa personal na buhay at sa pagiging ama sa anak nila ni Ellen Adarna.
Huling nagsama ang dalawa bilang Popoy (Cruz) at Basha (Alonzo) sa pelikulang “A Second Chance” noong 2015 na sequel ng 2007 hit film na “One More Chance.”