*Quirino – *Matagumpay na isinagawa kahapon sa bayan ng Diffun, Quirino ang “Tipon Tipan” na pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) Quirino kung saan naimbitahan ang limang negosyante na natulungan ng nasabing ahensya.
Ayon sa limang nesgosyante, lubos ang kanilang pasasalamat sa nasabing tanggapan dahil sa kanilang gabay at tulong na ibinigay kaya’t naging matagumpay ang kanilang nesgosyo.
Isa sa aktibidad kahapon ay ang pagbibigay ng pautang na walang interes sa mga negosyante sa bayan ng Diffun bilang bahagi ng programa ng DOST sa larangan ng Food and Innovation.
Ayon kay Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Quirino, malaki ang tulong ng ahensya sa mga nesgosyanteng gustong mangutang para maumpisahan ang ninais na negosyo.
Dagdag pa ni Calimag, tumaas na sa 17 milyong piso ang pondo ng pautang ngayong 2019 dahil sa magandang dulot ng programa sa mga negosyante kumpara noong 2018 na nasa 13 milyon lamang.
Naniniwala naman si Director Calimag na mas matutulungan ngayong taon ang mga Quirinians sa programang siyensa kung saan tututukan ang furniture product at processing ng large cattle.
Samantala, para sa mga nagnanais umanong mag-apply sa programa ng DOST, kailangan lamang na may business permit, letter of intent, DTI registration, 3 years financial report at mayroong maximum 2 milyong pisong ipapahiram sa mga kabilang sa Micro Small and Medium Enterprises (MSME’s).