Tokyo Olympics sa Japan, posibleng maging close door – organizers

73

Malaki ang posibilidad na walang manunuod na mga audience o close door ang Tokyo Olympics dahil sa patuloy na pagtaas na mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ito ang naging pahayag ni Tokyo 2020 President Seiko Hashimoto.

Aniya, isa yan sa mga naiisip nilang paraan para matuloy ang naturang Olympics.


Dagdag pa ni Hashimoto, magiging maganda at matagumpay ang mga laro kapag ang mga organizer ay proprotektahan ang mga atleta at mga tao sa Japan.

Matatandaan, una nang pinagbawalan ang audience sa mga laro habang ang panonood ng mga domestic fans ay pagdedesisyunan ng hanggang Hunyo.

Facebook Comments