TOP 1 MOST WANTED PERSON SA REHIYON UNO, ARESTADO

Dahil sa pinagsama-samang operasyon ng mga awtoridad ay matagumpay na nadakip ang nangunguna sa listahan ng Police Regional Office 1 na most wanted person na mula sa lalawigan ng Pangasinan nito lamang ika-8 ng Marso sa Brgy. Papaac, Camiling, Tarlac.
Nakikilala ang suspek na si Roberto Andaya, Sr., isang magsasaka at residente ng Brgy. Bolaoen sa bayan ng Sual.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape na ibinaba ng RTC Branch 55 sa Alaminos City kung saan ang akusado ay nasa kustodiya na ng Sual Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.

Samantala, pinuri naman ni PBGEN John Chua,ng PRO 1 Regional Director, ang pagsisikap ng mga operatiba sa pag-aresto sa naturang suspek.
Ayon pa sa kanya, magsilbi sana umanong babala ang pagdakip sa suspek dahil hindi umano titigil na magsagawa ng operasyon ang pulisya.
Patuloy umano silang maghahanap kahit sa pinakamaliit na sitio sa bayan upang mahuli lamang ang mga akusado para sa kapayapaan, kaayusan, at katarungan. |ifmnews
Facebook Comments