Wednesday, November 25, 2026

SUPORTA SA MGA LOLANG NAG-AALAGA NG MGA APO, MULUNG AARANGKADA SA ILALIM NG LOLA CARES SA DAGUPAN CITY

Muling gaganapin sa Dagupan City ang LOLA CARES Program para sa mga lola, na nag-aalaga ng kanilang mga apo, sa darating na Nobyembre 28.

Batay sa ulat, kabilang sa mga serbisyong ihahanda ang libreng medical checkup, gamot, 10 kilong bigas, dental services, legal consultation, gupit at salamin sa mata para sa mga lola.

Mayroon ding Project Linaw Mata para sa mga apo na edad 0 hanggang 15 taong gulang, katuwang ang isang partner clinic at PhilHealth.

Nauna nang inilunsad ang LOLA CARES noong Mayo 2026, kung saan 350 lola kasama ang kanilang mga apo ang nagparehistro sa programa at nabigyan ng health services, mental health support, education assistance, libreng checkup at PhilHealth-related registration.

Ayon sa pamahalaang lungsod, target ng programa na mabigyan ng tulong at serbisyo ang mga lola at kanilang mga apo, gayundin ng support system na maaari nilang malapitan.

Isasagawa ang registration at pagbibigay ng mga serbisyo alas-7 ng umaga sa Dagupan City Plaza.

Katuwang sa programa ang Women’s Center, FSCAP, City Health Office, at PhilHealth. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments