ENGRANDENG KASAL SA CALASIAO, SILIPIN!

Agaw pansin ang naganap na kasalan sa bayan ng Calasiao nitong Huwebes, October 26, 2023. Magarbo ang mga dekorasyon, mula sa mga traditional jeepney na ginamit na transportasyon ng mga kasama sa kasal. Naganap ang pag iisang dibdib nina Alex and Rowena sa Sts. Peter and Paul Parish Church sa Calasiao na may temang hashtag Sa’yo Lamang na Pinoy – Indian Themed ang mga dekorasyon.
Magarbo at agaw pansin ang naging set up nito maging sa bridal march na green carpet na mula sa gate pa lang ng simbahan. Maging sa naging reception nito sa Dagupan City, inaliw ng mga folk dancers ang mga guest. At mayroon ding magarbong mga musikero. Nakakatuwa din na maging sa mga pagkain ay pinoy na pinoy ang tema. Mga kakanin gaya ng suman, bibingkang kanin, puto, at iba pa ang mga nakahain na panghimagas.
Sa refreshments, meron ding street style halu-halo, sorbetes at samalamig. Pagsapit ng gabi, nagkaroon din ng fireworks display. Kaya naman mapapa sana all ka talaga sa kasal na ito na goodvibes ang hatid sa mga netizens. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments