TOP 3 MOST WANTED SA STA. BARBARA, ARESTADO SA MANHUNT OPERATION

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa Sta.Barbara at Calasiao, ang isang indibidwal na tinukoy bilang Top 3 Most Wanted Persons (Municipal Level) sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Ambonao, Calasiao, Pangasinan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng isang Warrant of Arrest para sa para sa patong-patong na kasong paglabag sa dalawang seksyon ng RA 9165 na may inirerekomendang piyansang P200,000 at P40,000 kabilang pa ang paglabag sa Illegal Possession, Manufacture, Acquisition of Firearms, Ammunition or Explosives na may piyansang P200,000.

Nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng pulisya ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments