TOP 4 REGIONAL MOST WANTED SA KASONG STATUTORY RAPE, ARESTADO SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Matagumpay na naaresto ng City of San Fernando Police Station, bilang lead unit, ang isang 29 anyos na Top 4 Regional Most Wanted Person kaugnay ng kasong statutory rape.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Family Court, First Judicial Region, Branch 10, City of San Fernando, La Union.

Ang akusado ay nahaharap sa tatlong bilang ng kasong statutory rape na may rekomendasyong walang piyansa.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng La Union Police Intelligence and Drug Management Unit (LUPIDMU), Regional Intelligence Division 1 (RID 1), La Union Police Intelligence Unit (LUPIU), TSC-RMFB 1, La Union Mobile Patrol Station Team (LUMARPSTA), at PIT La Union – RIU 1.

Upang matiyak ang transparency at accountability, maayos na naitala ang buong operasyon gamit ang PNP-issued body-worn camera.

Matapos ang pag-aresto, ang suspek ay dinala sa City Health Office para sa medical examination at kalaunan ay inihatid sa City of San Fernando Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments