Tuesday, November 17, 2026

Pilipinas, pormal nang ipinasa sa Singapore ang ASEAN Chairship sa ginanap na closing ceremony ng 49th ASEAN Summit and Related Summits

Eksaktong alas-6:00 ng gabi nang magsimula ang closing ceremony ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Plenary Hall ng PICC.

Pormal na itinurn-over ngayong gabi ng Pilipinas ang ASEAN Chairship sa Singapore.

Ipinakita ngayon sa closing ceremony ang mga naging kaganapan sa bansa sa ilalim ng pagiging Chair ng Pilipinas sa Asean ngayong taon kabilang na rito ang mga pagpupulong sa Cebu noong Enero.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi niyang nabigyan ng kahulugan ang tema na navigating our future together o pagsasama-sama.

Kinilala rin ni PBBM ang mga hamon na nararanasan ng iba’t ibang bansa gaya ng climate change, ekonomiya, at isyu sa teritoryo.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Pangulong Marcos Jr. sa Singapore na magsisilbing Chair at kay Singaporean Prime Minister Lawrence Wong.

Sa talumpati naman ni PM Wong, binati rin niya si PBBM at ang Pilipinas sa matagumpay na ASEAN Chairship lalo na sa dami ng mga pinagdaanan ngayong taon.

Facebook Comments