Isinusulong ng Region 1 Medical Center (R1MC) at mga provincial government-owned hospitals ang unified patient referral system upang mapabilis ang koordinasyon at paglilipat ng mga pasyente sa mga ospital sa lalawigan.
Tinalakay ito sa pulong na pinangunahan ni R1MC OIC Medical Center Chief II Dr. Marvin C. Callanta kasama ang mga pinuno ng ospital.
Ipinresenta ng Management Information Systems (MIS), ang Patient Information and Referral System (PIRS), isang online platform na mag-uugnay sa mga ospital at magbibigay-daan sa pagsubaybay sa proseso ng referral at bed availability.
Layunin nitong mabawasan ang hindi kinakailangang proseso at matiyak na maililipat ang mga pasyente sa pasilidad na angkop sa kanilang pangangailangan.
Binigyang-diin ni Callanta na dapat magtulungan ang mga ospital sa halip na magkompetensiya upang mas maraming pasyente ang mapaglingkuran.
Tinalakay rin ang Boses Mo Mahalaga, isang feedback mechanism na naglalayong palakasin ang kalidad ng serbisyo at pananagutan sa mga ospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








