Tourism Sec. Puyat, hindi tumuloy sa biyahe sa Boracay matapos ma-expose sa COVID-19 positive

88

Umatras sa kaniyang biyahe patungong Boracay si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ito ay matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive kung kayat kinakailangan muna ng kalihim na sumailalim sa sampung araw na self-quarantine.

Una ng nagnegatibo sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test si Puyat nitong Lunes, September 28, 2020.

Wala rin siyang nararamdamang mga sintomas.

Ang biyahe sana ni Puyat ay kaugnay ng reopening bukas ng Boracay matapos na pansamantala itong isara dahil sa COVID-19 lockdown.

Facebook Comments