Tangalan, Aklan— Hindi na mapakinabangan ang isang Toyota Avanza matapos masunog kaninang madaling araw sa Poblacion Tangalan Aklan.
Ang naturang sasakyan ay pagmamay-ari ni PMSGT Jonel Octavio residente ng naturang lugar at kasalukuyang naka assign sa Tangalan Police station.
Ayon sa kapulisan na nakatanggap sila ng impormasyon kaninang ala 1:30 ng madaling araw na may nasusunog na sasakyan sa Brgy. Poblacion malapit sa gilid ng public market.
Sa pag responde ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection Tangalan at mga kapulisan ay nagliliyab na ang naturang sasakyan.
Napag-alaman na nakapark lamang sa tapat ng bahay ng naturang pulis ang nasabing sasakyan ng mangyari ang sunog.
Ayon kay FO1 Ruzzel Rutao na nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ni FO1 John Darryl Irabon sa nangyaring sunog para matukoy ang sanhi nito.
Sa initial na ulat ay aabot sa humigit kumulang P400,000 ang naging pinsala ng apoy.
Toyota Avanza ng pulis nasuno
Facebook Comments