TRABAHO | BPO industry, in-demand pa rin sa 2018

Manila, Philippines – Nangunguna pa rin ang Business Process Outsourcing o BPO industry bilang in-demand na trabaho ngayong taon.

Base sa talaan ng philjobnet – aabot sa 133,300 ang job vacancy sa nasabing industriya at ito ang nanguna sa mga listahan ng trabaho na may pinaka-maraming nag-apply.

Inaasahan din ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magiging tuloy-tuloy ang demand sa susunod na taon.


Nananawagan din ang DOLE sa mga aplikante na maging flexible at maging multi-skilled workers para mabilis na makahanap ng trabaho.

Facebook Comments