Maliban sa peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), itinuturing din ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na pinakamalaking tagumpay ang muling pagkuha ng tiwala at pakikipagtulungan ng Moro National Liberation Front sa pamahalaan.
Ayon kay OPAPP Secretary Carlito Galvez, sa pamamagitan ng itinatag na dalawang magkahiwalay na Government of the PHILIPPINES-Moro National Liberation Front (GPH-MNLF) Peace Coordinating Committees, sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Nur Misuari at muslimen sema, ganap na maipatutupad ang mga napagkasundun sa 1996 final peace agreement.
Sinabi ni Galvez na sa ngayon ay binubuo na ang transformation program para sa MNLF.
Sa prosesong ito, magsasagawa ng validation, verification at profiling sa MNLF combatants para sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan.
Binigyang pagkilala rin ni Galvez ang malaking papel ni Misuari para bumalik sa tahimik na pamumuhay ang ibang mga lider ng Abu Sayyaf group sa Sulu.