TRB, magpapatupad muli ng cashless toll collection sa Expressway

Inanunsyo na Toll Regulatory Board o TRB na muling silang magpapatupad ng cashless o contactless toll collection sa lahat ng Expressway simula sa Marso 15, 2025.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, ang muling pagpapatupad ng Cashless Toll Collection ay isasagawa matapos ang ilang buwang dry run sa programa.

Paliwanag pa ni Corpuz na simula sa 15 ng Marso, lahat ng sasakyan na dadaan sa Toll Expressway ay mandatory na mayroon ng balidong etc., device / Radio Frequency Identification o RFID na nakalagay sa sasakyan.


Matatandaan na unang ipinatupad ang cashless toll collection noong Disyembre 2020, subalit sinuspinde dahil sa ilang nakitan operational issues.

Layun ng programa na mapaigting pa ang gamit sa lahat ng toll lanes o toll plaza sa pamamagitan electronic toll collection system.

Facebook Comments