Hindi naiwasang mag-react ni Akbayan Party-list Leader and Representative Chel Diokno sa mga ulat na binigyan umano ng option ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla si Senator Jinggoy Estrada nang umugong ang balita na posible itong arestuhin.

Sa Facebook post ni Diokno, makikita ang dalawang litrato kung saan ang isa ay ang nasabing pahayag ni Remulla, habang ang isa naman ay ulat noon patungkol sa isang lolo na ikinulong at sinaktan umano dahil napagkamalang nanlilimos.

Sa Facebook post, nagpasaring si Diokno na may choices o pribilehiyo ang mga makapangyarihang opisyal na nahaharap sa kasong kriminal, hindi tulad ng mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Diokno, wala dapat VIP lane pagdating aa batas at dapat umano ay patas ang proseso.

Facebook Comments