Isang labor group, kinondena ang sinabi ni FPRRD na “papatayin” ang 15 na nakaupong senador

Mariing kinondena ng Nagkaisa Labor Coalition ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP campaign rally na “papatayin” ang 15 na nanunungkulang senador upang makapasok ang pambato niyang senatorial candidates sa midterm elections.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na tila tinatakot ni Duterte ang mga senador na uupong Senator judge at hahatol sa impeachment case ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Giit ng naturang labor coalition, ang ipinahayag ni Duterte ay hindi nakakatawa, sa halip ay nagdudulot ito ng isang malaking banta sa mga demokratikong institusyon at sa kaligtasan ng mga public officials.


Sinasalamin umano nito ang isang mindset ng isang mapagmataas na hari sa panahon ng dark ages kung saan, walang kinikilalang batas at nangingibawbaw ang karahasan.

Ang retorika na ito ay maituturing na paalala ng nakaraang war on drugs ng nagdaang administrasyon sa mga droga, na humantong sa pagkawala ng libu-libong buhay.

Facebook Comments