Pagpapalakas ng imprastraktura sa mga lalawigan, tinalakay sa Senado

Iginiit ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang kahalagahan ng pagpapalakas ng infrastructure development sa mga kanayunan.

Kasunod na rin ito ng pagtalakay ng Senado sa public works bill tulad ng pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng engineering offices, mga kalsada at pagpapalit ng mga pangalan ng daan.

Ayon kay Revilla, ang local bills na ito ay magbibigay ng oportunidad para mabigyan sila ng dagdag na kakayahan at kapasidad para paunlarin ang mga sarili.


Mahalaga rin aniya ang local infrastructure development upang makatulong sa ekonomiya ng mga lalawigan.

Tungkulin din ng gobyerno na tulungan ang mga probinsya para makamit nila ang full potential para sa pag-unlad.

Facebook Comments