TREE PLANTING ACTIVITY, ISINAGAWA SA BRGY. PATAYAK, STA. BARBARA

Tinamnan ng iba’t-ibang puno ang bahagi ng Brgy. Patayak, Sta. Barbara, bilang bahagi ng programang pangkalikasan ng Bureau of Fire Protection katuwang ang Municipal Agriculture Office noong Marso 11.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalawak ang mga luntiang espasyo sa barangay habang sabay na pinapalakas ang mga hakbang para sa pangangalaga ng kapaligiran at pag-iwas sa sunog.

Ang pagtatanim ng mga puno ay hindi lamang umano nakatutulong sa pagpapaganda ng komunidad kundi may mahalagang papel din sa pagpapanatili ng kaligtasan at balanse ng kalikasan.

Isa sa mga pangunahing benepisyo ng pagtatanim ng puno ay ang pagpapabuti ng kalidad ng hangin at nagsisilbi ring climate carbon sink laban sa climate change at epekto ng greenhouse gases na nagdudulot ng global warming.

Sa aktibidad, iginiit din ang maayos at planadong pagtatanim ng mga puno lalo na ang mga fire-resistant species ay maaaring magsilbing natural firebreak na nakatutulong upang mabawasan ang tindi ng sunog at mapadali ang pagkontrol dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments