PAMAMARIL | Isang lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay Santa Monica, Novaliches, Quezon city.

Sa imbestigasyon, lumabas ng bahay ang biktimang si Rufyleo Quintana para magpahangin kung saan dito na ito tinadtad ng bala ng suspek na riding in tandem.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek kaya at hindi na naplakahan pa ng kapitbahay ng biktima ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito.


Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo sa krimen.

Facebook Comments