
Malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang paglalaan ng pondo para sa pagre-recruit ng karagdagang mga tauhan ng pulisya na inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng organisasyon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa 2027, makatatanggap ang PNP ng pondong humigit-kumulang 700 million pesos para sa pagrerekrut ng 2,000 bagong patrolman at patrolwoman upang punan ang mga kasalukuyang bakanteng posisyon.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing recruitment ay makakatulong para mapaigting ang pagpapatupad ng batas at makaresponde agad sa mga emergencies at sa mga nangangailangan ng tulong.
Nabatid na una nang napabilang ang PNP sa mga ahensya ng pamahalaan na nakakuha ng mataas na trust at satisfaction ratings.










