
Inalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga aral na iniwan sa kanya ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ngayong kaarawan nito.
Ayon sa pangulo, itinuro sa kanya ng kanyang ama ang kahalagahan ng tungkulin, dangal at paglilingkod sa kapwa at bayan.
Binigyang-diin din niya na ang buhay ay hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapakanan ng iba.
Pangungunahan ng pangulo, kasama ang First Family, ang pagdiriwang ng Marcos Day ngayong araw sa Ilocos Norte.
Kabilang sa mga aktibidad ang misa at wreath-laying ceremony o pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Marcos Sr. sa Batac City.
Facebook Comments










