Umabot na sa 301,040 o 67.72 porsyento ng mga bata sa buong Ilocos Region ang matagumpay na nabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin sa ilalim ng Ligtas Tigdas 2026.


‎Batay sa accomplishment report mula August 10 hanggang September 6, pinakamalaki ang bilang ng mga nabigyan ng bakuna sa edad na 24 hanggang 59 buwan na umabot sa 207,454 o 69.96 porsyento.

‎Sinundan ito ng mga batang edad 13 hanggang 23 buwan na may 55,476 o 61.43 porsyento, habang 38,110 o 66.08 porsyento naman ang mga sanggol na edad 6 hanggang 12 buwan.

‎Sa provincial at independent component city coverage, nanguna ang Dagupan City at Ilocos Norte na kapwa nagtala ng 94.08 porsyento, katumbas ng 14,471 at 40,108 na bata.

‎Umabot naman sa 42,316 o 86.92 porsyento ang nabakunahan sa Ilocos Sur, 45,254 o 72.31 porsyento sa La Union, at 158,891 o 57.73 porsyento sa Pangasinan.

‎Nagpasalamat naman ang mga health authorities sa mga vaccinators, healthcare workers, LGUs at mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa kalusugan ng mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments