Nagsagawa ng 3rd Joint Quarterly Meeting ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ng Burgos noong Martes, Setyembre 8, 2026.

Tinalakay sa pulong ang mga update para sa ikatlong quarter ng 2026 tungkol sa peace and order, public safety, at security situation sa bayan.

Nagbigay ng ulat ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Army.

Kasama rin sa agenda ang mga tungkulin ng Philippine Coast Guard sa peace and order at public safety sa lokal na pamahalaan.

Para sa anti-drug concerns, iniulat ng PNP ang mga isinagawang anti-illegal drug efforts.

Tinalakay naman kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapanatili ng drug-free at drug-cleared status ng mga barangay.

Napag-usapan din ang 1st Semester Physical and Financial Accomplishment Report for CY 2026, resulta ng MPOC at MADAC audit, at reorganisasyon ng dalawang konseho.

Kabilang sa mga naging output ng pulong ang Executive Order para sa reorganisasyon ng MPOC at MADAC, resolusyon para sa logistical, technical, at financial support para sa pagpapanatili ng drug-cleared at drug-free status ng 14 barangay, at Executive Order para sa pagbuo ng Municipal Anti-Terrorism Team (MATT). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###

Facebook Comments