Friday, March 13, 2026

Tripulante na-trap sa lumubog na barko sa Naga City, nasagip; 1 trabahador, nasawi

Isang tripulante ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ma-trap sa tumaob na barko sa Naga City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas, nagkakarga ang barkong MV Theresa I nang biglang tumagilid.

Dito na gumalaw ang mga karga hanggang sa tuluyang tumaob ang barko kung saan isang engine crew member ang na-trap.

Agad naman siyang nailigtas ng mga tauhan ng PCG at binigyan ng paunang lunas.

Isang engine crew member ang na-trap sa engine room ngunit agad itong nailigtas ng mga tauhan ng PCG at nabigyan ng paunang lunas.

Sa kabila nito, binawian ng buhay ang isang cement handler matapos tamaan ng napigtas na mooring line dahil sa insidente.

Nagawa pa itong isugod sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, naglatag ang PCG ng nasa 100 meters na oil spill boom sa paligid ng tumaob na barko at mahigpit na mino-monitor ang lugar sa posibleng pagtagas ng langis.

Facebook Comments