Tsuper sa Reina Mercedes, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

Reina Mercedes, Isabela- Matagumpay na inaresto ng mga otoridad ang isang tsuper matapos matiklo sa pagbebenta ng iligal na droga pasado alas kwatro ng hapon sa Brgy. Tallungan, Reina Merceses, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Jerby Babaran Barasi, 33 anyos, may asawa, driver at residente ng Brgy Cutog Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naglatag ng Drug Buy Bust Operation ang mga kasapi ng PNP Reina Mercedes katuwang ang PDEA at iba pang operatives na nagresulta sa pagkakadakip ni Barasi.


Nakuha mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang needle, isang tooter, isang lighter, mga foil at ang limang daang piso na marked money.

Nasa kustodiya na ng Reina Mercedes Police Station ang suspek at nakatakdang masampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments