TULONG | Japan, nagbigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Mindanao

Manila, Philippines – Tiniyak ng bansang Japan ang pagbibigay ayuda sa mga biktima ng bagyong vinta sa Mindanao.

Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, magbibigay sila ng emergency relief goods sa mga biktima ng kalamidad.

Kaisa aniya ng Pilipinas ang Japan para malagpasan ang kinakaharap na unos at ipinagdarasal ng prime minister na makarekober ang mga biktima ng bagyo.


Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay si Abe sa mga pamilya ng 37 indibidwal na namatay matapos ma-trap sa nasunog na mall sa Davao City.

Facebook Comments