Tulong ng provincial government para sa mga tricycle driver, sinimulan ng ipamahagi

Kalibo, Aklan – Sinimulan na kahapon ang pamamahagi ng tulong para sa mga trcicycle driver na apektado ng pandemya sa probinsya ng Aklan. Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng P3,000.00 pesos at food packs galing sa provincial government ng Aklan. Nabatid na ang mga makakatanggap ng tulong ay yaong mga hindi nakasama sa makakuha ng Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD at hindi miyembro ng 4P’s. Bawat araw ay may naka schedule na mga bayan para masunod ang pinapatupd na health protocols. Ang nasabing pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Facebook Comments