Tunay na sitwasyon ng distressed OFWs sa embassy shelter sa Kuwait, ibinunyag ng napauwing Pinay

Nanawagan sa pamahalaan ang napauwing distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait na pauwiin na ang mga natitirang Pinoy sa shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Kasunod na rin ito ng brutal na pagkakapatay sa OFWs sa Kuwait na si Jullebee Ranara na pinatay at sinunog ng 17 anyos na anak ng kanyang employer.

Ayon kay Rechilda Dioneda, nakakaawa ang kalagayan ng distressed OFWs sa shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait.


Aniya, bukod sa napakarumi ng shelter, kapos aniya sila sa pagkain at mga pangangailangan doon.

Kumukuha lang din aniya sila ng inuming tubig mula sa gripo kaya maraming mga Pinoy doon ang nagkakasakit.

Mangilan-ngilan lamang din aniya ang napapauwing distressed OFWs sa Kuwait dahil sa bagal ng repatriation process.

Sa ngayon, mahigit 2,000 pa ang natitirang OFWs sa Embassy shelter sa Kuwait.

Facebook Comments