TUTUGUNAN | Problema sa self-employed at unpaid family workers, tutugunan na ng DOLE

Manila, Philippines – Kumilos na ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang tugunan ang mga usapin na kinakaharap ng mga self-employed at unpaid family workers sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang sector na ito ay kumakatawan sa malaking porsiyento ng labor force na binubuo ng 15 milyong manggagawa.

Naniniwala ang kalihim na mahalaga ang sector na ito sa lipunan pero hindi sila saklaw ng mga patakaran at mga panuntunan sa paggawa gaya ng occupational safety and health and social protection.


Dahil dito ay pinag-aaralan na ng DOLE na maging bahagi ng formal sector ang mga self-employed at unpaid family workers.

Katuwang ng DOLE ang Department of Trade and Industry (DTI) sa paglulunsad ng inisyatibo na tinawag na trabaho, negosyo, kabuhayan na magsisilbing blueprint for decent employment and entrepreneurship para sa taong 2017-2022 at livelihood agenda sa 2017-2022.

Paliwanag ni Bello na layon ng inisyatibo na maging competitive, resilient at sustainable ang hanapbuhay ng informal sector sa pagpapayabong sa micro, small, and medium enterprises sa pamamagitan ng pagpapatupad gonegosyo law, ang MSME Development Plan, at Asia-Pacific Economic Cooperation 2015 action agenda to globalize micro small and medium enterprises.

Facebook Comments