UK at France, nababahala sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Photo Courtesy: VOA News

Ikinabahala ng gobyerno ng United Kingdom at ng France ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kada araw.

Base sa tala ng French Health authorities, nakapagtala sila ng 16,096 na bagong kaso at nasa 31,511 na ang namamatay kung saan umaabot sa 497,237 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon naman sa Public Health England (PHE), nasa 6,634 ang naitala nilang bagong kaso ng COVID-19 habang nasa 41,902 na ang namatay at nasa 416,363 ang kumpirmadong kaso.


Nakapagtala naman ang Spain Ministry of Health ng 12,272 na bagong kaso kung kaya’t pumalo na sa 716,481 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Dahil dito, ilan sa mga estudyante sa Europe ay nagsimula ng mag-self isolate bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 habang dumadami na din ang nagnanais na sumailalim sa COVID test.

Facebook Comments