Ulat na muling pamamayagpag ni Kerwin Espinosa sa drug trade, pina-iimbestigahan ng DOJ sa NBI

Inatasan na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang alegasyon na si Kerwin Espinosa ang nasa likod ng operasyon at distribusyon ng mga ilegal na droga sa Pampanga, Cavite, Bulacan, Pasay City at Taguig City.

Sinasabing kahit nakakulong pa rin si Espinosa hanggang ngayon sa NBI detention facility, ay nagagawa pa rin nitong makipag-transaksyon kaugnay sa ilegal na droga, batay naman sa sumbong at pagkumpirma ni Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido.

Mahigpit ang tagubilin ni Guevarra kay NBI Acting Director Eric Distor na tutukan at bigyang prayoridad ang nasabing alegasyon ni Espenido.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI si Espinosa at nasa ilalim ng Witness Proctection Program (WPP) ng DOJ makaraang naging testigo ng pamahalaan laban kay Senator Leila de Lima.

Dahil dito, sinabi ni Guevarra na kung mapapatunayan ang alegasyon ay tiyak na makakaapekto ito sa legalidad ng pananatili ni Espinosa sa WWP.

Facebook Comments