UMAPELA | Pagbibigay ng prangkisa sa kumpanya ng anak ni Sen. Legarda, kinuwestyon sa Kamara

Manila, Philippines – Umapela sina 1-PACMAN Partylist Reps. Mikee Romero at Enrico Pineda at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na pag-aralan ang pagbibigay ng prangkisa sa Solar Para Sa Bayan Corporation (SPBC) na pag-mamay-ari ng anak ni Sen. Loren Legarda na si Leandro Legarda Leviste.

Sa ilalim ng House Bill 8179, binibigyan ng 25 taong prangkisa ang SPBC na makapagtatag, mag-maintain, mag-operate at mag-distribute ng solar power sa buong bansa.

Ayon kay Romero, nangangamba sila sa pwedeng maging epekto ng pagbibigay ng Kongreso ng ‘biggest solar franchise’ sa isang kumpanya.


Maaari aniya itong maging monopolya ng solar energy at papatayin nito ang maraming electric cooperatives dahil ang SPBC ay binibigyang karapatan na makapag-operate sa mga lugar na mayroon nang nagsusuplay ng kuryente.

Maliban dito ay hindi rin regulated ng gobyerno ang nasabing solar power company at makakatanggap pa ito ng tax incentives sa kabila ng pagbawi ng tax incentives sa iba’t ibang kumpanya.

Kinuwestyon naman ni Atienza ang pag-railroad dito ng Kamara matapos na hindi man lang hingian ng panig ang ibang mga electric cooperatives tungkol dito.

Facebook Comments