Unang araw ng limited face-to-face classes sa Maloco National High School naging maayos at matagumpay

Kalibo, Aklan — Naging maayos at matagumpay ang unang araw ng isinagawang limited face-to-face classes sa Maloco National High School sa Ibajay, Aklan kahapon. Ito ay matapos na payagan nang magsagawa ng limited face-to-face classes ang Grade 7-10 at Grade 11-12. Naging mahigpit rin ang pagpapatupad ng mga minimum health protocols sa mga estudyante at mga guro sa nasabing paaralan. Pinangunahan naman ni Punong Guro Victor C. Pagayunan at ng mga stakeholders ang nasabing implementasyon.
Facebook Comments