Unang araw ng Misa de Gallo sa Quiapo Church, naging mapayapa at maayos

Naging maayos at payapa ang katatapos lamang na ikalawang misa ng Misa de Gallo sa Quiapo Church.

Nagsimula ang misa ng alas-5:00 ng umaga kung saan alas-4:00 ng madaling araw ang unang misa.

Nasa 600 hanggang 700 indibidwal ang pinayagan makapasok sa loob mg nasabing simbahan habang 300 hanggang 400 naman sa labas.


Nagtutulong-tulong ang mga hijo at tauhan ng Manila Police District Station-3 para mapanatili ang seguridad gayundin ang pagpapatupad ng physical distancing.

Ang Quiapo Church ay may misa ng alas-4:00 at alas-5:00 ng madaling araw mula Disyembre 16 at misa ng alas-7:00 at alas-8:00 ng gabi simula Disyembre 15.

Nag-organisa rin ang pamunuan ng Quiapo Church katuwang ang ibang simbahan ng misa para sa Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan naginanap ng alas-7:00 ng gabi, kagabi.

Wala namang naitalang anumang insidente maliban kanina sa isang batang lalaki na nawawala kung saan natagpuan din ito ng kaniyang nanay sa tulong ng MPD Station-3.

Wala ring nagtitinda ng mga kakanin tulad ng puto bumbong at bibingka na tradisyunal na ibinebenta tuwing panahon ng Kapaskuhan.

Samantala, isang bangkay ng miyembro ng LGBT ang natagpuan sa ilalim ng Quezon Blvd. underpass pero hindi pa masiguro kung anong naging dahilan nito kung siya ay tumalon o mayroong foul play sa insidente.

Facebook Comments