Ginawang COVID-19 vaccination center ang gym ng University of the Philippines-Diliman.
Ayon kay UP Diliman Vice Chancellor Aleli Bawagan, ito ay pinangangasiwaan ng mga volunteers kabilang dito ang university alumni at residente mula sa komunidad na sakop ng campus.
Ang nasabing COVID-19 vaccination center sa loob ng campus ay para sa pagbabakuna sa mga university workers at residente ng pamantasan.
Karamihan sa UP community ay mga kabilang sa A2 at A3 category list o mga senior citizens at mga may comorbidities.
Layunin ng in-campus vaccination program na ma-decongest o paluwagin ang mga vaccination centers sa Quezon City at para mapabilis na rin ang immunization upang madaling makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.
Facebook Comments