UPDATE | 2 sa 3 batang inanod sa ilog sa Valenzuela, nakita na

Valenzuela City – Halos bumagsak sa kinatatayuan habang umiiyak ang mga magulang matapos matagpuan ang dalawa sa tatlong batang inanod sa Tullahan River sa Valenzuela City.

Kung maalala, Linggo ng hapon ng napag-alaman na may tatlong batang naglalaro ng putik sa ilog ang inanod matapos biglang taas at lakas ng pag-agos ng tubig

Kaninang alas dos ng madaling araw, unang nakita ang bangkay ng 10 taong gulang na si Jillian Salud, sa gitna ng ilog malapit sa tulay at makalipas ang isang oras lumutang at nakita din ang katawan ni Kerby Tehadilla, 10 taong gulang.


Halos hindi na mamukaan ang mga bangkay matapos mababad sa ilog ng higit sa 30 oras at tanging suot na damit ng mga bata ang naging paladaan ng mga magulang.

Samantala, patuloy pang hinahanap ang katawan ni Reiniel Tejadilla,13-anyos.

Sinabi ni Leriza Aquino ng Valenzuela DRRMO, maghapon at magdamag ang kanilang isinasagawang retrieval operation dahil nais nilang ibigay ang lahat ng tulong na makakaya para sa naulilang mga magulang.

Facebook Comments