Albay – Nanatili pa ring nasa moderate level ng pag-aalburoto ang bulkang Mayon sa Legaspi Albay.
Ito ang dahilan kaya at hanggang ngayon hindi ibinababa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Estado ng Bulkan sa alert level 2 .
Hindi inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na biglaang pagputok nito , pagdaloy ng lava at pagbuga ng abo na banta sa mga residente.
Base sa pinakahuling monitoring sa bulkang Mayon na inilabas ngayong umaga, nakapagtala pa ito ng dalawang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.
Pinakahuling nakitaan ng pagbuga ng sulfur dioxide na tinatayang nasa average na 994 tons per day ay noong Mayo 12.
Mahigpit pa ring pinagbabawalan ang mga residente na makapasok sa 6 km radius permanent danger zone at sa 7 km extended danger Zone sa South-Southwest to East-Northeast Sector hanggang sa stretch ng Anoling, Camalig hanggang Sta. Misericordia, Sto. Domingo.