VCM dumating na sa Pangasinan

Dumating na ang mga Vote counting machine(VCM) sa ilang parte ng Pangasinan.
Umabot sa 2,632 VCM ang dumating, kasabay nito ang mga Election Paraphenalias na gagamitin ng mga board of election tellers tulad ng voters registration and verification system kit. Bantay sarado ng First Provincial Mobile Force Company at ng PNP Pangasinan ang bodega kung saan nakalagay ang mga VCM na gagamitin sa eleksyon sa Mayo upang masiguradong walang dayaang mangyayari.
Ayon naman sa OIC Election Supervisor, Comelec Pangasinan na si Atty. Ericson Organiza tiniyak nilang kumpletong mai-deliver ang mga VCM’s , CCS machines at Printers.
Wala namang pinapapasok sa mismong comelec hub sa Calasiao at Urdaneta City Pangasinan, para masigurong walang mangyayaring pagsasabutahe sa mga Vote Counting Machine at Consolidated canvassing System Machine.
May contingency vote counting machine din na ibibigay sa bawat munisipyo para magamit sakaling magkaroon ng technical discrepancy sa araw ng eleksyon.
Sa pangasinan nasa 1.9 million na ang mga registered voters, nakatakda naman ang final testing ng sealing ng mga vote counting machine sa May 10 dito sa pangasinan para malaman kung may depekto ito o wala.

Facebook Comments