Virtual Kalibo Ati-atihan Festival 2021 kanselado

Kalibo, Aklan— Kinansela na ng LGU Kalibo ang virtual Ati-atihan Festival na gagawin sana sa January 16 at 17 2021. Ayon kay SB Member Ronald Marte na nakapagpulong sila noong nakaraang linggo matapos iminungkahi ng Regional IATF na kailangang isailalim sa swab test at 14 day quarantine ang mga myembro ng kalahok na tribu. Aniya na malaking budget ang kakailanganin para sa swabing ng 23 tribo o kabuuang 400 na mga indibidwal. Bagamat kanselado ang virtual Ati-atihan, matutuloy aniya ang religious activity ng simbahan na siyang sentro ng selebrasyon. Dagdag pa nito na motorized procession lamang ang gagawin sa imahe ni Sr. Sto. Niño de Kalibo kung saan isasakay ito sa isang sasakyan at ililibot sa buong bayan. Nakakapanghinayang aniya ang mga paghahanda ng mga tribu sa mga costumes na gagamitin ngunit kailangan itong gawin para maiwasan ang COVID 19. Sa kabilang dako kasalukuyang nangangalap ng mga video ng nakaraang mga Atiatihan celebration ang Municipal Tourism Office para maipakita ito sa publiko.

Facebook Comments