Visayas Grid, muling inilagay sa yellow alert status dahil sa manipis na suplay ng kuryente

Muling inilagay sa yellow alert ang Visayas Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Ayon sa system operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ito mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Bunsod ito ng pagbagsak ng apat na planta ng kuryente habang tatlo pang power plant ay may mabagal na kapasidad.


Dahil dito, umaabot sa 293 megawatts ang nawala mula sa inaasahang suplay ng kuryente

Ayon pa sa NGCP, umaabot sa 2,052 megawatts ang kailangang suplay subalit nasa 2,149 megawatts lamang ang available.

Facebook Comments