
Nababahala si Vice President Sara Duterte sa aniya’y kawalan ng paghahanda ng pamahalaan sa krisis sa langis.
Sa ambush interview sa Davao City, sinabi ni VP Sara na dapat ay naglalatag na ang gobyerno ng mga paghahanda para sa susunod na mga buwan at taon.
Nagtataka rin si VP Sara dahil taong 2022 pa aniya nagbabadya ang giyera sa Gitnang Silangan pero walang naging paghahanda dito ang pamahalaan.
Una nang inupakan ni VP Sara ang aniya’y kabiguan ng pamahalaan na magpadala ng eroplano na susunod sa mga Pilipinong stranded sa giyera sa Middle East.
Facebook Comments










