VP Sara Duterte-Carpio, pormal nang nanungkulan bilang kalihim ng DepEd

Pormal nang nailipat ni former Secretary Leonor Briones ang panunungkulan sa Department of Education (DepEd) kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Sa isinagawang farewell and welcome ceremony sa DepEd Central Office sa Pasig, pormal na ipinasakamay ni Briones ang watawat, ang selyo at ang binuong program of action hanggang 2030 kay VP Sara.

Ani Briones, ang pinakamalaking hamon sa kagawaran ay ang epekto ng learning loss sa panahon ng pandemya.


Gayunman, hindi katulad ng ibang mga bansa na bumaba ang mga enrollee at mas tumaas pa ang mga mag-aaral sa Pilipinas sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon naman kay VP, mananatili si Briones sa Kagawaran ng Edukasyon bilang kaniyang consultant.

Facebook Comments