
Nagpasok ng “not guilty plea” si Vice President Sara Duterte laban sa pitong articles of impeachment na isinampa laban sa kanya.
Ito ang nilalaman ng 35 pahinang answer ad cautelam o answer with caution na pagtalima sa summon ng Senate Impeachment Court.
Sa sagot sa summon ni VP Duterte, ay ipinapabasura niya ang ika-apat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya dahil nilalabag nito ang one-year ban rule.
Dahil dito, tinawag na “scrap of paper” o basura ni Duterte ang impeachment complaint na isinampa sa kanya ng Mababang Kapulungan.
Ikinatwiran din na walang articles of impeachment na nakasampa ngayon sa impeachment court matapos na ibalik ang mga kaso sa Kamara.
Binigyang-diin sa sagot sa summon na hindi naipaliwanag ng Kamara kung paanong naging high crime at naging impeachable offense ang umanoy assassination plot niya laban kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Maging ang mga paratang sa paggamit ng bise presidente ng confidential funds at ang diumano’y confidential wealth niya ay pawang hindi factual at walang matibay na ebidensya.