Marksmanship training ng ilang PNP personnel, umarangkada na

Nagsimula na ang 2nd phase ng Marksmanship Enhancement Training ng mga kawani ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG)

Ayon kay PNP IMEG Director PBGen. Bonard Briton, ang 2nd phase ng Marksmanship Enhancement Training o live fire exercises ay isinagawa nitong June 18, 2025 kung saan dito in-apply ng mga pulis ang kanilang natutunan noong sumabak sila sa first phase o dry fire training.

Dito nahasa ang mga pulis sa tama at ligtas na shooting techniques, weapon handling, at precision development.

Sinabi ni Briton na ang dalawang yugto ng pagsasanay ay bahagi ng pagsusumikap ng IMEG na palakasin ang kakayahan ng kanilang hanay.

Nais din nyang matiyak na bihasa sa paggamit ng baril ang mga pulis at handang rumesponde sa anumang sitwasyon.

Una nang binalaan ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang mga pulis na hindi papasa sa marksmanship proficiency standards ay babawian ng service firearm.

Facebook Comments