
Pinatitiyak ni Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo sa Department of Transportation (DOTR) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang magiging delay sa distribusyon ng fuel subsidy.
Sa gitna na rin ito ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Matapos ang pag-anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin ang fuel subsidies sa mga motorista, agad na nakipag-ugnayan ang senador sa DOTr at LTFRB para matiyak na walang magiging delay sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga apektadong sektor.
Tiniyak ng LTFRB sa senador na gagamit sila ng umiiral na Pantawid Pasada Cards / fuel cards, bank-to-bank transfer at pag-transfer sa E-wallet accounts para hindi maulit ang delay sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV drivers.
Sakali namang hindi available ang mga nasabing transfer methods, ang subsidy ay maaring ipamahagi o mai-claim sa over-the-counter sa mga piling Landbank of the Philippines Servicing Branches.
Pinasisuguro rin ni Tulfo na mayroong wastong guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy para matiyak na mga tunay na beneficiaries ang makikinabang.